Close
Shopping Cart
Your Cart is Empty

3rd National Conference for Small & Family Farmers;New & Beginning Farmers

An ongoing series of both informational and experiential entries from our members!

We are officially an Agricultural Cooperative!

May 24, 2019

Sa wika nga ni Prof. John Ikerd, may akda ng librong Small Farm are Real Farm,  "true family farmers have a strong 'sense of place' as the interconnectedness of the family with the farm is what makes a farm a true "family farm"!  Nakakatuwang isipan na matapos ang dalawang taon,  ang dating pangarap na maging isang tunay na kooperatiba na binubuo ng mga Pamilyang Filipino Farmers ay ganap ng katotohanan.


Parang pag-aasawa siguro, ang pagtatayo ng Kooperatiba na ito. Ito  ay dumaan sa mahabang "courtship and engagement" period. Kinikilala mabuti ang isa't isa. Pinag-iipunan ng perang panimula, sabi nga ng matatanda, huwag sisimulan ang pagpapamilya sa utang. Inaayos ang mga papel upang maging lehitimo ang pagsasama. Sinusuri ang tunay na dahilan ng pagkakaugnay. Isa ito sa mga ehemplo ng gawain na hindi nadadala sa pagmamadali.

Sa taong 2019, malapit na malapit na ang kasal .... sabay sa pangdaigdigang pagdiriwang ng Dekada ng Pamilyang Magsasaka! Nawa ay magbunga ng mga lehitimong "anak" na magiging kapakipakinabang. Higit sa lahat, pagkatapos ng kasal, sana lumaki ang pamilya! Ika nga ng Dakilang Guro - "humayo at magpakarami".

Save the Date!  Sept 9-10, 2019 is our Conference

May 24, 2019

"Perhaps the most convivial gathering of family farmers and the best place to network with!"   Ito ang madalas na feedback from attendees ng yearly conference na ating ginaganap sa SEARCA (Southeast Asian Research Center for Agriculture), located in UPLB Campus in Los Banos, Laguna.  Ito rin ay isang magandang pagkakataon para makapamasyal sa iba't-ibang resources na nasa loob ng campus para sa ating mga magsasaka.


You can register on this link. 

REGISTRATION LINK TO THE CONFERENCE

https://forms.gle/sNJa2wxbZD2ohQzc9